News Article

1st Municipal Development Council Meeting

Blog Single
Municipal Development Council Meeting
Isinagawa ang unang Municipal Development Council (MDC) Meeting para sa taong 2026 kung saan tinalakay ang mahahalagang plano, programa, at proyekto para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
Pinangunahan ito ng ating butihing Mayora Dra. Nemmen Perez kasama ang mga lokal na opisyal,mga kawani ng ating Lokal na Pamahalaang Bayan, kasama rin ang iba’t ibang kinatawan mula sa mga sektor ang pagpupulong upang masiguro na ang bawat hakbang at desisyon ay nakabatay sa tunay na pangangailangan ng ating mga kababayang Socorreño.