Rehabilitation of Calocmoy Bridge
Matapos ang masusing rehabilitasyon, handa na muling magamit ang Calocmoy Bridge para sa mas ligtas at mas maayos na biyahe ng ating mga kababayang Socorreño.
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng inisyatiba ng ating butihing Mayor Dra. Nemmen Perez at sa tulong ng ating minamahal na Congressman Cong. Arnan C. Panaligan - House of Representatives bilang kanilang patuloy na Malasakit sa kaunlaran at kaligtasan ng mga Socorreño.
Fun Fact: Ang tulay na ito ay unang naging konkreto mula sa pagiging tulay na kahoy (na ipinagawa ng isang Saw Mill mula sa barangay Fortuna ) noong panahon ng Dating Punong Bayan Mayor Melinda Vida Ortega Perez at matapos ang ilang administrasyon na nagdaan naisagawa ang pagsasaayos nito sa pamumuno ng ating kasalukyang Ina ng Bayan Dra. Nemmen Perez.

