PAALALA SA PUBLIKO
PAALALA SA PUBLIKO | SOCORREÑO
Second Posting (GRA 2028)
Ipinapaalam po sa ating mga kababayan ang ipinapanukalang Schedule of Fair Market Values (SMV) para sa Residential, Agricultural, Commercial at Industrial Lands na inilabas ng Office of the Provincial Assessor – Oriental Mindoro, alinsunod sa probisyon ng Local Government Code.
Ang panukalang ito ay magsisilbing batayan sa klasipikasyon, appraisal, at assessment ng real properties sa ating bayan at iba pang munisipalidad sa lalawigan.
Hinihikayat po ang lahat ng mga may-ari ng lupa at interesadong Socorreño na makibahagi sa mga susunod pang anunsyo at konsultasyon kaugnay ng usaping ito.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang po sa Municipal Assessors Office.







