Mayorโs Dialouge
Dumalo ang ating minamahal na Punong Bayan sa Mayor’s Dialogue on Accelerating Classroom Building in Cities and Municipalities, kasama sina Sen. Bam Aquino, Education Secretary Sonny Angara, at LCP National President Mayor Francis Zamora.
Layunin ng dayalogo na mapabilis ang pagtatayo ng mga silid-aralan sa mga lungsod at munisipalidad upang masiguro ang maayos, ligtas, at dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.
Ang pakikilahok ng ating Punong Bayan ay patunay ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataan ng Socorro.





