News Article

Libreng Operasyon sa Bukol at Libreng Bunot ng Ngipin

Blog Single

ANUNSYO PARA SA MGA SOCORREÑO (at sa mga taga ibang bayan)

Mangyari lamang pong BASAHING MABUTI !

Magsasagawa po muli ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Socorro , sa pakikipagtulungan ng Grace Mission Hospital Inc., ng LIBRENG OPERASYON SA BUKOL at LIBRENG BUNOT NG NGIPIN para sa mga kwalipikadong pasyente.

Para sa LIBRENG BUNOT NG NGIPIN meron lamang pong laan na 200 slots. (Wala rin pong DENTAL PASTA )

SCREENING:
Pebrero 28 – Marso 4, 2026

SURGICAL MISSION (Operasyon sa Bukol):
Marso 2 – 4, 2026

DENTAL MISSION (Bunot ng Ngipin):
Marso 3 – 4, 2026

Ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating butihing Mayora Dra. Nemmen Perez na maghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan.

Para sa karagdagang impormasyon at screening requirements, MAGTUNGO / MAKIPAG-UGNAYAN lamang po sa Tanggapan ng Punong Bayan

HANAPIN LAMANG PO SI Maam Arlyn Saguid Caunceran

*Hindi po kame mag eentertain ng galing sa chat o personal message o comment.

Mangyare po na magtungo sa Mayor’s Office.