News Article

Regional Assessment on LDRRMCO

Blog Single
Lubos na ikinararangal ng Munisipalidad ng Socorro ang pagkakaloob ng Plaque of Recognition mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) MIMAROPA.
Ang parangal na ito ay tinanggap ng ating butihing Mayora Dra. Nemmen Perez kasama ang Socorro Mdrrmc sa pangunguna ni Sir Francis A. Hernandez.
Ito ay bunga ng 2.77 na rating na nakamit mula sa Regional Assessment for Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs) para sa CY 2025, bilang pagkilala sa patuloy na serbisyo, dedikasyon at sakripisyo ng ating Pamahalaang Lokal sa paghahanda at pagtugon sa mga sakuna.
Patunay lamang na sa sama-samang pagkilos at maayos na pamumuno patuloy nating pinapatatag ang kahandaan sa sakuna ng ating Bayan ng Socorro.
Congratulations po sa Lokal na Pamahalaang Bayan ng Socorro at sa Socorro Mdrrmc!

Other Uploaded Photos

Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1