News Article

Calocmoy Bridge

Blog Single
Pinag-iingat po ang lahat.Magdahan-dahan po ng pagmamaneho sapagkat isinara po muna ang bahaging may sira..
 
Ito ay matagal at lumang tulay na. Na sa pag-upo ng ating mahal na Punong-Bayan 𝗡𝗘𝗠𝗠𝗘𝗡 𝗢𝗥𝗧𝗘𝗚𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗘𝗭 noong Ika-1 ng Hulyo 2022 ay isa ito sa pinakaunang proyektong ipinasa sa ating mahal na Congressman at sa mga kinauukulan ukol sa proyektong ito.
 
Ang tulay na ito ay naipagawa noong termino ng kagalang-galang na dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. Ang tulay na ito ay napakahalaga sa Bayan ng Socorro, sa mga residente, motorista/Turista at mga negosyong maaring maapektuhan mula sa 5 barangay, 𝘾𝙖𝙡𝙤𝙘𝙢𝙤𝙮, 𝘽𝙖𝙮𝙪𝙞𝙣, 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙖𝙧𝙚𝙖𝙡, 𝙈𝙖𝙡𝙪𝙜𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙁𝙤𝙧𝙩𝙪𝙣𝙖 na bumabagtas dito. Gayundin ang mga produkto mula sa nasabing 5 barangay. Kung ito ay tuluyang masisira at hindi na madadaanan ay napakaraming motorista at negosyante ang lubos na maaapektuhan.
Kaya humihingi po kami ng tulong at suporta na maipaayos ang 𝗖𝗔𝗟𝗢𝗖𝗠𝗢𝗬 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘 sa ating 𝗚𝗼𝗯𝗲𝗿𝗻𝗮𝗱𝗼𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗲𝗿𝗹𝗶𝘁𝗼 "𝗕𝗼𝗻𝘇" 𝗔. 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 at 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻 𝗔𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗖.𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻 para sa agarang pagsasa-ayos ng nasabing tulay.

Other Uploaded Photos

Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1 Gallery Thumb 1