Nationwide Simultaneous Earthquake Drill
.TINGNAN: Naka- duck cover and hold si Socorro Mayor Dr. Nemmen O. Perez at mga kawani ng kanilang lokal na pamahalaan sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong araw, Nobyembre 10.
Layunin ng programang ito na magkaroon ng kahandaan ang lahat ng mga mamamayan sa posibilidad na sakuna partikular ang lindol.
Matatandaang sa Oriental Mindoro, ang LGU Socorro ang siyang napiling mag-participate sa 4th NSED .
Naisakatuparan at naging matagumpay naman ito bunga ng pagtutuwang at sama-samang pagtataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na pinamumunuan ni PDRRM Officer Vinscent Gahol, mga kawani ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office at lahat ng kawani ng LGU Socorro, Philippine National Police at mga kawani ng Bureau of Fire Protection ng naturang bayan.
Sa iba't-ibang scenario, ipinakita ang mga posibleng mangyari sa panahon ng paglindol at kung paaano ito tutugunan.
Matatandaan ding taun-taon ito at magkakasabay na isinasagawa sa buong bansa sa pangunguna ng Office of the Civil Defense (OCD) at mga kaugnay na ahensya sa mga lokal na pamahalaan.